Ipinahayag kahapon ni bagong-halal na Pangulong Hassan Rouhani ng Iran ang pag-asang agarang mapapanumbalik ang talastasan sa isyung nuklear ng kanyang bansa.
Sa unang preskon makaraang manungkulan siya, ipinahayag ni Pangulong Rouhani ang kahandaan ng kanyang bansa sa mulling pagsisimula ng talastasan sa isyung nuklear, nang walang inaaksayang panahon. Binigyang-diin din niyang di-maipagkakailang karapatan ng Iran ang uranium enrichment at hinding hindi niya ito ititigil.
Nagpadala kahapon ng mensahe kay Rouhani si Catherine Ashton, Puno sa Patakarang Panlabas ng Unyong Europeo (EU) bilang pagbati sa panunungkulan ni Rouhani bilang Pangulong Iranyo. Hinimok din Ashton si Rouhani na pumayag sa muling pagdaraos ng talastasan sa isyung nuklear ng Iran sa lalong madaling panahon.
Salin: Jade