Ayon sa National Broadcasting Company (NBC) ng Estados Unidos, nang kapanayamin kahapon si Pangulong Hassan Rohani ng Iran, sinabi niya na hindi pauunlarin ng kanyang pamahalaan ang sandatang nuklear. May karapatan siya sa pakikipagkasundo sa mga bansang Kanluranin hinggil sa isyung nuklear ng Iran.
Ayon sa ulat, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakapanayam ng American media si Rohani sapul nang manungkulan siya bilang Pangulo ng bansa. Nang mabanggit niya ang pagpapalitan nila ng liham ni Pangulong Barack Obama ng Estados Unidos, sinabi niya na "positibo at konstruktibo" ang mga ipinadalang liham ni Obama.
Salin: Li Feng