Ayon sa isang kasunduang nilagdaan kamakalawa ng Myanmar at International Atomic Energy Agency (IAEA), pinahintulutan nito ang pagsisiyasat ng IAEA sa instalasyong nuklear nito sa anumang sandali.
Nauna rito, marami ang nagdududa kung nagtatangka o hindi ang Myanmar na paunlarin ang sandatang nuklear. Ang naturang aksyon ay makakatulong sa pagpapaalis ng ganitong duda. Sa mula't mula pa'y, pinabulaanan ng pamahalaan ng Myanmar ang may kinalamang paratang. Ipinahayag din ng mga eksperto na malayo pa ang kasalukuyang teknolohiya at lebel ng kakayahan ng nasabing bansa sa paglikha ng sandatang nuklear.
Salin: Li Feng