Ipinahayag kahapon ng Ministring Panlabas ng Pakistan na pinalaya nito si Mullah Abdul Ghani Baradar, Pangalawang Puno ng Taliban sa Afghanistan upang mapasulong ang prosesong pangkapayapaan sa bansa.
Naaresto si Mullah Abdul Ghani Baradar noong taong 2010 sa Karachi, Pakistan. Sa kanyang pagbisita sa Pakistan noong nagdaang Agsoto, hiniling ni Pangulong Hamid Karzaï ng Afghanistan na palayain si Mullah Abdul Ghani Baradar.
Sapul noong Nobyembre, pinalaya ng Pakistan ang mga bilanggong tauhan ng Taliban, batay sa kahilingan ng pamahalaan ng Afghanistan. Hanggang sa kasalukuyan, 33 tauhan ng Taliban ang pinalaya na ng Pakistan.
Salin: Ernest