Sa kanyang pakikipagtagpo dito sa Beijing kay Nicolas Maduro, dumadalaw na Pangulo ng Venezuela, isinalaysay kahapon ni Li Keqiang, Premiyer ng Tsina na isinasagawa ng pamahalagang Tsino ang pagpapasulong ng transpormasyong pangkabuhayan ng Tsina.
Aniya, sa ilalim ng presyur ng pagbaba ng kabuhayan, pinili ng Tsina ang estratehiyang kapuwa makakabuti sa pag-unlad sa kasalukuyan at sa hinaharap. Kokontrolin aniya ang financial deficit, at hindi luluwagan o hihigpitan ang suplay ng salap. Pero, idinagdag niyang patuloy na isasagawa ng Tsina ang patakaran ng pagsasaayos ng estruktura at pagsusulong ng reporma para magtuloy-tuloy ang paglaki ng kabuhayan.
salin:wle