Nag-usap kahapon dito sa Beijing sina Xi Jinping, Pangulo ng Tsina at Nicolas Maduro, dumadalaw na Pangulo ng Venezuela. Nagpalitan sila ng mga palagay hinggil sa pagpapalalim ng estratehikong partnership ng dalawang bansa at mga isyung panrehiyon at pandaigdig.
Pinupurihan ni Xi ang bagong pamahalaang pinamumunuan ni Maduro sa pagpapatuloy nito sa patakaran ni dating Pangulong Hugo Chavez na gawing preperensyal na target ang pagpapaunlad ng relasyong pangkaibigan sa Tsina. Aniya, ang Venezuela ay mahalagang bansa sa Latin Amerika at maganda ang relasyon nito sa Tsina. Dagdag pa ni Xi, dapat panatilihin ang ugnayan sa pagitan ng mga lider ng dalawang panig, pahigpitin ang kooperasyon sa iba't ibang larangan, at magkasamang pasulungin ang pagtatatag ng Porma ng Kooperasyon ng Tsina at Latin Amerika.
Ipinahayag naman ni Maduro na ang Venezuela at Tsina ay may tunay na pagkakaibigan, pantay-pantay na pagpapalitan at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan. Dagdag pa niyang patuloy tumatahak ang mga mamamayang Venezuelan sa landas na nilikha ni dating Pangulong Chavez. Umaasa aniya siyang itatakda ang plano ng kooperayson ng dalawang bansa sa susunod na 10 taon. Nakahanda ang Venezuela na panatilihin ang koordinasyon sa Tsina, sa mga mahalagang isyung pandaigdig, at pasulungin ang kooperasyon ng Latin Amerika at Tsina, dagdag ni Maduro.
Pagkatapos ng pag-uusap, dumalo ang dalawang pangulo sa seremonya ng paglalagda ng mga kasunduan sa pinansya, kultura, edukasyon, pagpapalitan ng mga tauhan at iba pa.
salin:wle