Upang masalusyonan ang lumalalang polusyon sa hangin, ipinasiya ng pamahalaang Tsino na pabababain ang pagbuga ng "PM 2.5" ng mga kotse sa pamamagitan ng pagpapataas ng kalidad ng gasolina.
Ipinatalastas ito kahapon ng National Development and Reform Commission ng Tsina. Anito, kapuwa patataasin ang kalidad at presyo ng gasolina, pero, ibibigay ng pamahalaan ang subsidya sa larangan ng agrikultura, panggugubat, pangingisda, pampublikong bus sa lunsod, taksi at iba pang usaping pangkagalingan at mga mahihirap na grupo.
salin:wle