Sa kanyang pananatili sa Amerika, ipinahayag kamakailan ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na dapat pasulungin ang bagong modelo ng relasyon ng malalaking bansa sa pagitan ng Tsina at Amerika sa pamamagitan ng mga aktuwal na aksyon ng dalawang panig.
Sinabi ni Wang na ang diwa at prinsipyo ng nasabing bagong modelo ay hindi pagsasagupaan at pag-iwas sa komprontasyon, paggalang sa isa't isa, at pagtulungan para makamit ang win-win situation.
Ipinahayag naman ni John Kerry, Kalihim ng Estado ng Amerika, na buong pagkakaisang sinang-ayunan ng dalawang bansa ang pagtatatag ng bagong modelo ng relasyon ng malalaking bansa. Dagdag pa niya, nakahanda ang kanyang bansa na isakatuparan, kasama ng Tsina, ang nasabing nagkakaisang posisyon sa mga larangang gaya ng aktuwal na kooperasyon, pagkontrol sa hidwaan, at pag-iwas sa sagupaan.
Salin: Ernest