Pumasok kahapon sa ika-2 araw ang pangkalahatang debatehan ng Ika-68 Pangkalahatang Asemblea ng UN sa New York. Sa panahon ng naturang debatehan, idinaos ni John William Ashe, Tagapangulo ng Pangkalahatang Asemblea ng UN, at ng mga kinatawan mula sa iba't-ibang bansa, ang isang mataas na espesyal na aktibidad na pinamagatang "Sumusulong sa Pagsasakatuparan ng Millennium Development Goal (MDG). Dumalo sa aktibidad sina Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN, Helen Clark, Puno ng UN Development Programme (UNDP), at Jim Yong Kim, Puno ng World Bank (WB).
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Ban na sa kasalukuyan, mahigit 1 bilyong populasyon sa buong daigdig ang namumuhay pa rin sa napakahirap na kondisyon. Dahil dito, ginawa na aniya ng mga pamahalaan ng iba't-ibang bansa, WB, at mga pribadong departamento, ang bagong pangakong daragdagan ng 2.5 bilyong dolyares ang pamumuhunan para mapasulong ang pagsasakatuparan ng MDG. Dapat magsikap ang komunidad ng daigdig para maisakatuparan ang target na ito, dagdag pa niya.
Inulit naman ng mga kalahok ang kani-kanilang pangako para sa pagsasakatuparan ng MDG.
Salin: Li Feng