|
||||||||
|
||
Matinding kinondena ng komunidad ng daigdig ang naturang pananalita ni Shinzo Abe. Ipinahayag ng mga dalubhasang dayuhan na ang naturang pananalita ay nagpapakita ng tangka niyang pasulungin ang pagpapalawak ng armas. Ipinahayag rin ng mga dalubhasa na kung hindi tumpak na mapapakitunguhan ng Hapon ang kasaysayan, mabubukod ito sa komunidad ng daigdig.
Ipinahayag ng dalubhasa ng Hapon na sa kasalukuyan, si Shinzo Abe ay tumatahak sa maling landas ng pagpapanumbalik ng karapatan sa collective self defence sa pamamagitan ng pagsususog ng konstitusyon.
Ipinahayag ng kinauukulang dalubhasa ng E.U. na hindi kinakatigan ng karamihan ng mga mamamayang Hapones ang pagsususog ng konstitusyon, at naapektuhan ng aksyon at pananalita ng mga right-wing force ng Hapon ang kooeperasyon ng E.U., Hapon at Timog Korea.
Ipinahayag naman ng media ng Timog Korea na ang tangka ng Hapon na panumbalikin ang karaptan sa collective self defence ay tunguhin ng bagong cold war.
Ayon naman sa German Media, sa kasalukuyan, binigyang-diin ng bagong pamahalaan ng Hapon ang puwersang militar, pero hindi nito binabanggit ang kapayapaan. Ang pakikitungong ito ay nagpapadala ng isang maliwanag na impormasyon: hindi inaalis ng Hapon ang posibilidad ng digmaan.
Sinabi naman ng dalubhasa ng Thailand na ang paghaharap ng Hapon ng pagsususog ng konstitusyon ay naglalayong baguhin ang kaayusang pandaigdig pagkatapos ng World War II. Pero, hindi makakalimutan ng mga mamamayan ng Timog Silangang Asiya ang krimen ng Hapon sa World War II. Di-magbabago ang kasaysayan.
Sinabi ng komentaryo ng media ng Britaniya na ang naturang pananalita ni Shinzo Abe ay posibleng magdulot ng banta sa kapayapaan at seguridad ng rehiyong Asiya-Pasipiko.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |