Lumubog kagabi sa rehiyong pandagat ng Xisha Island ang dalawang bapor ng Tsina dahil sa epekto ng malakas na bagyo. Sa kasalukuyan, 13 sa 60 tripulante ang nailigtas, samantalang pinaghahanap pa rin ang natitirang iba pa.
Bukod sa nabanggit na dalawang bapor, mayroon pang 3 bapor sa lugar na itong naapektuhan ng bagyo. Ang isa ay nawalan ng kontat, pero ligtas at nasa maayos na kalagayan ang dalawang iba pa.
Pagkatapos ng insidenteng ito, agarang iniutusan nina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang ang mga departamento at kawal para agarang isagawa ang gawaing panaklolo.
Sa kasalukuyan, isinasagawa ng mga rescue personnel ng Tsina ang gawain sa lugar na pinangyarihan ng insidente.
Salin: Ernest