Mula bukas, sisimulan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang kanyang pagdalaw sa Indonesia. Nang kapanayamin kamakailan ng mamamahayag ng Xinhua News Agency, binigyan nina Marty M. Natalegawa, Ministrong Panlabas, at Purnomo Yusgiantoro, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Indonesia, ng lubos na papuri ang pag-unlad ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
Sinabi ni Marty na sa mula't mula pa'y itinuturing na ng kanyang bansa ang Tsina bilang mahalagang partner. Umaasa aniya siyang mapapaunlad ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa sa mas mataas na antas.
Dagdag pa ni Marty, palagiang iginigiit ng Indonesia ang "Patakarang Isang Tsina."
Sinabi naman ni Purnomo na ang pagtutulungan ng Tsina at Indonesia ay makakapagbigay ng napakalaking ambag para mapangalagaan ang seguridad at kapayapaan, higit na mapataas ang kasaganaan ng rehiyong ito.
Salin: Li Feng