Kahapon ng hapon (local time), nag-usap sa Jakarta sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Susilo Bambang Yudhoyono ng Indonesia. Magkasamang ipinasiya ng dalawang panig na pataasin ang relasyong Sino-Indones sa komprehensibong estratehikong partnership. Iminungkahi ng panig Tsino na itatag ang bangko ng pamumuhunan sa imprastruktura sa Asya para mapasulong ang konstruksyon at proseso ng integrasyong pangkabuhayan sa rehiyong ito. Binigyan naman ng positibong reaksyon ni Susilo ang naturang mungkahi.
Sa pag-uusap, ipinahayag ng Pangulong Tsino na ang Tsina at Indonesia ay kapwa malaking umuunlad na bansa at mahalagang bagong-sibol na market country sa rehiyong ito at buong daigdig. May malawakang komong interes ang dalawang bansa sa pangangalaga sa kasaganaan at katatagan ng rehiyong ito. Aniya, malaliman at masalimuot ang pagbabago ng situwasyong panrehiyon at pandaigdig, at ang pagpapalakas ng estratehikong kooperasyon ay di-maiiwasang pagpili ng dalawang bansa. Dagdag pa niya, nakahanda ang Tsina na komprehensibong palalimin ang pakikipagtulungan sa Indonesia para maisakatuparan ang komong pag-unlad, at mapangalagaan ang pangmatagalang kasaganaan at katatagan ng Asya, at mapasulong ang pagkakaisa at kooperasyon ng mga umuunlad na bansa, at mapasulong ang kapayapaan at kaunlaran ng buong daigdig.
Ipinahayag naman ng Pangulong Indones na sapul nang maitatag ang estratehikong partnership ng dalawang bansa noong 2005, mabilis na umuunlad ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa. Aniya, ang pagpapanatili ng katatagan at kaunlaran ng Tsina ay napakahalaga para sa rehiyong ito at buong daigdig. Lubos na pinahahalagahan ng Indonesia ang relasyon sa Tsina, at umaasa ang Indonesia na mapapalakas ang kooperasyong Indones-Sino, dagdag niya.
Pagkatapos ng pag-uusap, magkasamang dumalo ang dalawang lider sa seremonya ng paglalagda sa mga dokumentong pangkooperasyon ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng