Nagtagpo ngayong araw sina dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia.
Sinang-ayunan ng dalawang lider ang pag-angat ng relasyong Sino-Malay sa komprehensibong estratehikong partnership.
Nagpalitan din sila ng kuru-kuro hinggil sa pagpapasulong ng relasyong Sino-ASEAN at iba pang mga isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan.
Bago ang pag-uusap, sinalubong si Pangulong Xi ni Abdul Halim Muadzam Shah, Kataas-taasang Puno ng Estado ng Malaysia.
Ang Malaysia ang ikalawang hinto sa biyahe ni Pangulong Xi sa mga bansa ng Timogsilangang Asya. Nauna rito, dumalaw siya sa Indonesia mula kamakalawa hanggang kahapon.
Salin: Jade