Nag-usap ngayong araw sina dumadalaw na Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Najib Razak ng Malaysia.
Sinang-ayunan ng dalawang lider ang pag-angat ng relasyong Sino-Malay sa komprehensibong estratehikong partnership.
Sa pag-uusap, iniharap ni Pangulong Xi ang apat na mungkahi para sa pagtutulungan ng dalawang bansa. Una, kasabay ng pagpapanatili ng tradisyonal na pagpapalitan sa mataas na antas, pahigpitin ng mga lider ng dalawang bansa ang kanilang pagsasanggunian sa mga isyung estratehiko; ikalawa, palawakin ang kanilang pagkakalakalan para maisakatuparan ang 160 bilyong dolyares na target sa taong 2017; ikatlo, pahigpitin ang pagtutulungan sa telekomunikasyon, satellite at teknolohiyang biyolohikal; ikaapat, pasulugnin ang pagpapalitang pandepensa at militar; ikalima, pagandahin ang pagtutulungan ng mga pamahalaang lokal at pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Sinang-ayunan naman ito ni Najib. Ipinahayag din niya ang kahandaan ng Malaysia na pasulungin ang relasyong Sino-ASEAN para mapasulong ang kapayapaan at kasaganaan ng rehiyon.
Bago ang pag-uusap, sinalubong si Pangulong Xi ni Abdul Halim Muadzam Shah, Kataas-taasang Puno ng Estado ng Malaysia.
Ang Malaysia ang ikalawang hinto sa biyahe ni Pangulong Xi sa mga bansa ng Timogsilangang Asya. Nauna rito, dumalaw siya sa Indonesia mula kamakalawa hanggang kahapon.
Salin: Jade