Ayon sa ulat kahapon ng Kyodo News Agency, ipinasiya ng Estados Unidos at Hapon na magdedeploy ng Amerikan Global Hawk Unmanned Aerial Vehicles (UAV) sa Hapon mula sa tagsibol ng susunod na taon, ayon sa kasunduang narating ng dalawang panig sa pag-uusap nang araw ring iyon sa Tokyo.
Ayon sa ulat, ang mga Global Hawk UAV ay ipapadala sa Misawa Base sa Aomori-ken ng Hapon. Bukod dito, magdedeploy ang tropang Amerikano ng P-8 maritime patrol aircraft sa Kadena Air Force Base sa Okinawa ng Hapon. At ito ay kauna-unahang pagpapadala ng Amerika ng P-8 maritime patrol aircraft sa ibayong dagat.
salin:wle