Dumating kahapon ng hapon ng Bali, Indonesia si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para dumalo sa Ika-21 Pulong ng mga Lider ng Aisa Pacific Economic Cooperation (APEC), makaraang matapos niya ang kanyang dalaw na pang-estado sa Malaysia.
Sa kanyang pananatili sa Malaysia, nakipagtagpo si Pangulong Xi kay Punong Ministro Mahathir Mohamad. Sumang-ayon ang dalawang lider na i-angat ang relasyong Sino-Malay sa komprehensibong estratehikong partnership.
Magkasamang dumalo rin sina Pangulong Xi at Punong Ministro Mahathir sa China-Malaysia Economic Summit. Kinatagpo rin ni Xi si Abdul Halim Muadzam Shah, Kataas-taasang Puno ng Estado ng Malaysia. Lumahok din siya sa pananghaliang panalubong na handog ng mga overseas Chinese sa Malaysia.
Ang Malaysia ay ikalawang hinto ng biyahe ni Pangulong Xi sa mga bansang ASEAN. Nauna rito, dumalaw siya ng Indonesia.
Salin: Jade