Kinatagpo kahapon sa Royal Palace ng Malaysiya si Xi Jinping, dumadalaw na Pangulong Tsino ni Sultan Tuanku Alhaj Abdul Halim Mu'Adzam Shah, Kataas-taasang Puno ng Estado ng Malaysiya.
Pinapurihan ni Xi si Sultan Halim sa pagtatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Malaysiya noong 1974 sa panahong nanunungkulan niya bilang Kataas-taasang Puno ng Estados. Sa kasalukuyan, mas mahigpit ang ugnayan ng dalawang bansa, at ang relasyon ay mahalaga sa isa't isa.
Ipinahayag naman ni Sultan Halim na ang pag-unlad at malaking potensiyal ng Tsina sa kabuhayan ay nagpapasigla sa kabuhayang pandaigdig. Sa kasalukuyan, kinakaharap ng kooperasyon ng Malaysiya at Tsina ang mas malaking pagkakataon.
salin:wle