Kahapon, sa Bali Island, Indonesiya, ipinahayag ni Chun-Ying Leung, Chief Executive ng Hong Kong, Special Administration Region (HKSAR), na itataguyod ng HK ang Pulong ng mga Ministro ng Pananalapi ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) sa 2014, at lalo pang palalakasin ang katayuan ng HK bilang pandaigdigang sentro ng pananalapi.
Idaraos sa Bali Island, Indonesiya ang Ika-21 di-pormal na pulong ng mga lider ng APEC at lalahok sa pulong na ito si Chun-Ying Leung. Ipinangako niyang magsisikap ang HK para mas mabuting itaguyod ang naturang pulong sa susunod na taon, at pinasalamatan niya ang pagkatig ng sentral na pamahalaan ng Tsina.
Salin:Sarah