|
||||||||
|
||
Nakipagtagpo kahapon sa Bali Island, Indonesiya si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Park Geun-hye, Pangulo ng Timog Korea.
Ipinahayag ni Xi na sa kasalukuyan, mainam ang pagpapaunlad ng relasyon ng Tsina at T.Korea. Ang dalawang panig aniya ay naging mahalagang magka-partner sa iba't ibang larangan, at itinatag na ang regular na mekanismo ng diyalogo. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ang T.Korea, upang lalo pabutihin ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan, palawakin ang komong palagay, at paunlarin ang kooperasyon, para maghatid ng benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa. Dagdag niya, ito rin ay upang magbigay ng ambag para sa pagpapasulong ng kapayapaan at pag-unlad ng rehiyong ito.
Ipinahayag naman ni Park Geun-hye na pananatilihin ng T.Korea ang pakikipagpalitan sa Tsina sa mataas na antas, at lalo pang palalakasin ang pakikipagpalitan sa Tsina sa iba't ibang larangan. Umaasa aniya ang T.Korea na matatapos ang talastasan hinggil sa Kasunduan ng Bilateral na Malayang Kalakalan, sa lalo madaling panahon, at buong lakas na pasusulungin ang pagpapalitang kutural, at isasagawa ang mahigpit na kooperasyon ng dalawang bansa sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig.
Nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang lider hinggil sa kalagayan ng Korean Peninsula.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |