|
||||||||
|
||
Pagkatapos ipinid kahapon sa Bandar Seri Begawan, Brunei, ang Ika-8 Summit ng Silangang Asya, ipinalabas ang "Pahayag ng Tagapangulo ng Ika-8 Summit ng Silangang Asya" at " Deklarasyon ng Summit ng Silangang Asya hinggil sa Kaligtasan ng Pagkaing-butil."
Tinalakay sa summit, pangunahing na, ang kaligtasan ng pagkaing-butil, kaligtasan ng enerhiya, pagbabago ng klima, pangangasiwa sa kapahamakan, pagkontrol sa nakahahawang sakit, at mga mainit na isyung panrehiyon at pandaigdig. Narating ang malawakang komong palagay sa mga isyung ito.
Kaugnay ng kaligtasan ng pagkaing-butil, binigyang-diin ng pulong na ang sustenableng kaligtasan ng mahalagang butil na ito ay importanteng bahagi ng pagsasakatuparan ng pangmatagalang target ng Silangang Asya. Direkta itong nakakaapekto sa pamumuhay ng mga mamamayan ng rehiyong ito, ayon pa sa pulong.
Tinukoy pa sa pulong, na batay sa nabanggit na deklarasyon, dapat palakasin ng iba't ibang bansa ng Silangang Asya ang pagsisikap sa sumusunod na tatlong aspekto: una, pataasin ang episiyensya ng produksyon at supply chain; ika-2, palakasin ang pangangasiwa sa kalusugan, at itatag ang kamalayan sa malusog na paraan ng pamumuhay; at ika-3, lutasin ang mga problemang pangkapaligiran na makakaapekto sa kaligtasan ng pagkaing-butil, isagawa ang kooperasyon sa mga larangan ng pangangasiwa at pangangalaga sa yamang-tubig at pangingisda, palakasin ang kakayahan sa pagharap sa pagbabago ng klima, at pababain ang epekto ng pagbabago ng klima.
Tinalakay din sa pulong ang isyu ng kaligtasan ng enerhiya, at binigyang-diing dapat ibayo pang paunlarin ang renewable at alternative energy.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |