|
||||||||
|
||
Kaugnay nito, sinabi ni Hassanal Bolkiah, Sultan ng Brunei, na pinapupurihan niya ang mungkahi ni Premiyer Li na may kinalaman sa upgrading ng Malayang Zonang Pangkalakalan ng Tsina at ASEAN o (CAFTA). Ipinalalagay niyang ang mungkahing ito ay makakabuti sa lalo pang pagpapalakas ng relasyong pangkabuhayan ng rehiyong ito sa Tsina, at makabuti rin sa pag-angkop ng kabuhayan ng rehiyong ito sa pagbabago ng kabuhayang pandaigdig.
Sinabi ni Le Luong Minh, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN na ipinalalagay ng lahat ng miyembro ng ASEAN na ang upgrading ng CAFTA ay isang positibong signal na nagpapakita na nagsisikap ang Tsina para mapalakas ang pakikipagkooperasyon nito sa ASEAN sa darating na 10 taon. Ipinalalagay ng kapuwa Tsina at ASEAN na napakahalaga ng pagpapasulong ng kooperasyon ng dalawang panig.
Sinabi ni HuangBin, dalubhasa ng Thailand Kaitai Research Center, na ang upgrading ng CAFTA ay makakabuti sa pagpapalalim ng pagkakaisa ng kabuhayan ng rehiyong ito. Sa hinaharap, tiyak na mabubuo ang isang napakalaking economy na may kalahating populasyon ng daigdig, at sangkatlo ng kabuuang halaga ng produksyon at halaga ng kalakalan ng daigdig.
Ipinahayag ni Huang Jingcheng, dalubhasa ng Malaysia na ang mungkahi ni Premiyer Li ng na upgrading ng CAFTA ay nakatawag ng pansin ng mga bansang ASEAN. Ang madalas na pagdalaw ng bagong liderato ng Tsina sa mga bansang ASEAN ay nagpapakita ng pagkakaibigan ng Tsina sa mga bansang Timog Silangang Asiya, at optimistiko ang kinabukasan ng pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ASEAN sa darating na 10 taon.
Sinabi naman ng puno ng Pathet Lao News Agency ng Laos na sa talumpati, iniharap ni Premiyer Li ang pagpapalakas ng inter-link at inter-connection. Ito ay makakatulong sa Laos para maging isang bansa na maginhawa ang trapiko.
Bukod dito, ipinahayag ni KimV. Narry, dalubhasa ng Britaniya na pinapupurihan niya ang mga mungkahi na iniharap ni Li. Sinabi rin ni Steve Herman ng mamamahayag mula sa Voice of America na sa talumpati, ipinahayag ni Premiyer Li na dapat lutasin ang isyu ng South China Sea sa pamamagitan ng talastasan ng mga bansang may direktang kinalaman, at hindi maaapektuhan ng isyu ng South China Sea ang pangkalahatang kalagayan ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN. Pinapupurihan din niya ang paninindigang ito ni Premyer Li .
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |