Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Relasyon ng Tsina at ASEAN: "Golden Decade", at "Diamond Decade"

(GMT+08:00) 2013-10-09 17:12:15       CRI
Ngayong araw, sisimulan ni Premiyer Li Keqiang ng Tsina ang kanyang pagdalaw sa 3 bansa ng Timog Silangang Asiya at lalahok rin siya sa isang serye ng pulong ng mga lider ng Silangang Asiya na idaraos sa Brunei.

Sa China-ASEAN Expo na idinaos noong nakaraang buwan, iniharap ni Premiyer Li na ang Tsina at ASEAN ay may kakayahang maabot ang "Diamond Decade" batay sa "Golden Decade". Ito ay lubos na nagpapakita ng malaking pag-asa niya sa relasyon ng Tsina at ASEAN sa hinaharap.

Hinggil dito, sinabi ni Zhang Yunling, dalubhasa mula sa Chinese Academy of Social Sciences, na ang "Golden Decade" ay mainam na paglalarawan sa bunga ng kooperasyon ng Tsina at ASEAN noong nakaraang 10 taon, at ang "Diamond Decade" naman ay sumasagisag sa lalo pang pagpapahigpit ng kooperasyon ng dalawang panig sa hinaharap.

Sinabi niyang noong nakaraang 10 taon, sa larangan ng kabuhayan, naitatag ng Tsina at ASEAN ang Malayang Zonang Pangkalakalan at mabilis na umunlad ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig. Ang Tsina ay naging pinakamalaking trade partner ng ASEAN. Sa larangan ng pulitika, kinumpirma ng dalawang panig ang estratehikong partnership. Hinggil naman sa "Diamond Decade", ipinalalagay ni Zhang na ang katuturan nito ay pagpapalalim ng relasyon ng dalawang panig. Sa larangan ng kabuhayan, lalo pang patataasin ang Malayang Zonang Pangkalakalan ng Tsina at ASEAN (CAFTA); at sa larangan ng pulitika, ang kasalukuyang estratehikong partnership ay isang framework lang, sa hinaharap, puwedeng daragdagan ang ilang nilalaman para lalo pang pataasin ang relasyong ito.

Noong panahon ng "Golden Decade", natamo ng Tsina at ASEAN ang isang serye ng mga bunga sa kanilang kooperasyon. Ang matagumpay na karanasan sa panahon ng "Golden Decade" ay makakatulong para maabot ang "Diamond Decade" sa hinaharap. Hinggil dito, ipinahayag ni Qu Xing, dalubhasa mula sa China Institute of International Studies na ang pagkakatatag ng Tsina at ASEAN ang estratehikong partnership at malakas na pagkokompliment ay mabisang nagpapasulong ng kooperasyon ng dalawang panig.

Talos ng lahat, ang kapayapaan at katatagan ay paunang kondisyon para sa kasaganaan ng rehiyon. Ang isyu ng South China Sea ay may mahalagang katuturan para sa kooperasyon ng Tsina at ASEAN. Hinggil dito, ipinalalagay ni Qu na noong nakaraang 10 taon, maayos na nahawakan ng Tsina at mga bansang ASEAN ang alitan sa isyu ng South China Sea, at dahil dito, matagumpay na magkakasamang maabot ng dalawang panig ang "Golden Decade". Sa hinaharap, dapat patuloy na maayos na mahawakan ng dalawang panig ang mga pinagtatalunang isyu para maabot ang "Diamond Decade".

Sa kasalukuyan, ang Tsina ay isang mahalagang puwersang tagapagpasulong ng pag-unlad ng rehiyong Asiya-Pasipiko, at mabilis rin ang pag-unlad ng kabuhayan ng ASEAN. Kung mapapanatili ang mainam na tunguhin ng kooperasyon ng dalawang panig sa darating na 10 taon, tiyak na walang humpay na lalawak at lalalim ang kooperasyon ng dalawang panig.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>