Dumating kahapon sa Hanoi, Biyetnam, si Premyer Li Keqiang ng Tsina para isagawa ang 3 araw na opisyal na pagdalaw doon. Kaugnay nito, nagbigay ng positibong pagtasa ang mga media ng Biyetnam sa dalaw na ito.
Magkakahiwalay na nagpalabas ng ulat ang mga media ng Biyetnam na gaya ng Nhan Dan, opisyal na pahayagan ng Partido Komunista ng Biyetnam, at Tien Phong, hinggil sa narating na kooperasyon sa pag-usap ng mga Punong Ministro ng dalawang bansa, sa mga isyung pandagat, panlupa, at pinansiyal.
Umaasa rin ang mga media ng Biyetnam na sa pamamagitan ng pagdalaw ni Premyer Li, ibayo pang mapapasulong ang bilateral na kalakalan ng dalawang bansa at mapayapang malulutas ang mga hidwaan hinggil sa isyu ng South China Sea.
Salin: ernest