Dumalo kahpon sa Bangkok si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa bangketeng panalubong ng mga overseas Chinese sa Thailand.
Hinangaan ni Li ang mahalagang papel ng mga overseas Chinese sa pagpapasulong ng kabuhayan ng Thailand.
Sinabi ni Li na maganda ang kinabukasan ng kooperasyon ng Tsina at Thailand. Sa kanyang pananatili sa bansang ito, nilagdaan ng Tsina at Thailand ang mga kasunduan. Dagdag ni Li, ito ay magdudulot ng mas maraming pagkakataon para sa mga bahay-kalakal ng dalawang panig.
Salin: Ernest