|
||||||||
|
||
Nagtagpo kaninang umaga sa Hanoi, Biyetnam, sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Nguyen Phu Trọng, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV).
Sinabi ni Li na nakahanda ang panig Tsino, kasama ng Biyetnam, na panatilihin ang pagpapalagayan sa mataas na antas, palalimin ang aktuwal na kooperasyon at pasulungin ang bilateral na relasyon.
Ipinahayag naman ni Nguyen Phu Trọng na mayroong malawak na komong kapakanan ang Biyetnam at Tsina. Nakahanda aniya siyang panatilihin, kasama ng Tsina ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng dalawang panig.
Kaugnay ng isyu ng South China Sea, sinabi ni Li na dapat maayos na kontrolin ng dalawang panig ang hidwaan sa isyung ito at isakatuparan ang mga narating na nagkakaisang posisyon hinggil dito.
Sinang-ayunan ni Nguyen Phu Trọng ang palagay ni Li. Sinabi niya na nakahanda ang kanyang bansa na maayos na lutasin, kasama ng Tsina, ang hidwaan sa isyu ng South China Sea.
Salin: Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |