|
||||||||
|
||
Sa pag-uusap, ipinahayag ni Li na para sa relasyon ng Tsina at Biyetnam, ang komong palagay at kapakanan ay mas marami kaysa alitan. Sinabi ni Li na dapat samantalahin ng Tsina at Biyetnam ang estratehikong direksyon ng relasyon ng dalawang bansa at panatilihin ang kooperasyon. Dapat aniyang magsikap ang dalawang bansa para magkasamang lutasin ang pagkakaiba sa isyu ng South China Sea.
Sinang-ayunan ni Nguyen Tan Dung ang mungkahi ni Premiyer Li hinggil sa lalo pang pagpapaunlad ng relasyon ng dalawang bansa. Ipinahayag niyang maayos na lulutasin ng kanyang bansa ang pagkakaiba para pasulungin ang komprehensibong pag-unlad ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon ng dalawang bansa.
Sa kasalukuyan, ang kapuwa Tsina at Biyetnam ay nasa masusing panahon ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan. Ang pag-unlad ng dalawang bansa ay pagkakataon rin sa isa't isa, dadag pa niya.
Sa kasalukuyan, umiiral pa rin ang alitan sa dagat sa pagitan ng Tsina at Biyetnam. Pero, ang pagkakaiba ay hindi hadlang sa matapat na pagpapalitan ng dalawang panig. Ang naturang pag-uusap nina Premiyer Li at Nguyen Tan Dun ay maliwanag na nagpakita sa buong daigdig na: ang Tsina at Biyetnam ay may katapatan; kakayahan at katalinuhan, upang pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng kooperasyon ng dalawang bansa; pangalagaan ang kapayapaan ng South China Sea; palawakin ang komong interes; at kontrolin ang pagkakaiba.
Ang kooperasyon na may mutuwal na kapakinabangan ay masusing katangian ng bagong relasyon ng Tsina at Biyetnam sa ika-21 siglo, at ang relasyon ng dalawang bansa ay pumasok na sa bagong panahon ng komprehensibong pag-unlad.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |