Dumating ngayong araw ng Hong Kong ang isang konsehal ng lunsod ng Maynila para humingi ng paumanhin sa mga pamilya ng nasawi at nasugatan sa "Manila hostage tragedy" na naganap noong ika-23 ng Agosto ng 2010 sa Maynila. Tatalakayin din nila ang hinggil sa pagbibigay ng kompensasyon.
Pinahintulutan kamakailan ng konseho ng lunsod ng Maynila ang pamahalaan ng lunsod na humingi ng paumanhin sa mga pamilya ng Hong Kongese na nasawi at nasugatan sa trahedya. Ayon sa may kinalamang resolusyon, naganap ang insidente sa saklaw ng lunsod ng Maynila, at namamahala ang pamahalaan ng Maynila sa pagsasagawa ng pagliligtas, kaya, may responsibilidad ang alkalde ng Maynila na panumbalikin ang relasyon sa HK. Dadalaw si Alkalde Joseph Estrada ng Maynila sa HK at inaasahang matatapos ang krisis na ito.
Pero, hanggang sa kasalukuyan, wala pang pamilya ng mga biktima ang nakatanggap ng sirkular.
Ipinahayag ni Leung Chun-ying, Punong Tagapagpaganap ng Hong Kong Special Administrative Region na ipapatalastas ang progreso sa publiko pagkaraang matamo ang inisiyal na resulta. Sa pagkatig ng Sentral na Pamahalaan ng Tsina, ilang bese na nakipag-ugnayan ang pamahalaan ng HKSAR sa panig ng Pilipinas. Binigyan-diin niyang pananatilihin ng Hong Kong Security Bureau ang pakikipag-ugnayan sa mga pamilya ng nasawi at nasugatan para magbigay ng tulong at katarungan sa kanila.
salin:wle