Nilagdaan kahapon ng Hilaga at Timog Korea ang isang added agreement kaugnay ng pagbubukas ng magkasanib na tanggapan ng pamamahala sa operasyon ng Kaesong Industrial Complex.
Ayon sa naturang kasunduan, idaraos ng dalawang panig ang pulong ng mga puno ng complex, tuwing Huwebes ng hapon, at samantalang ang regular work meeting naman ay tuwing alas nuebe y media ng umaga, Lunes hanggang Biyernes.
Ayon pa sa kasunduang narating ng dalawang panig sa ika-7 round ng talastasan, noong ika-14 ng Agosto, 13 manggagawa sa naturang tanggapan ang magkakasamang ipinadala ng dalawang panig.