Ayon sa pahayag na ipinalabas kahapon ng Ministri ng Unipikasyon ng Timog Korea, nawawalan na ito ng tiyaga sa isyu ng Kaesong Industrial Complex. Ayon pa sa pahayag, umaasa ang T.Korea, na ipapakita ng Hilagang Korea ang katapatan sa paglutas ng isyu, at ipagkakaloob ang kompensasyon sa mga bahay-kalakal na T.Koreano.
Dagdag pa ng pahayag, nitong 4 na buwang nakalipas, sapul nang ihinto ang operasyon ng Kaesong Industrial Complex, umabot sa halos 750 bilyong South Korean Hwan ang kapinsalaan ng mga bahay-kalakal na T.Koreano. Anito, ang pagpapahinto sa operasyon ng industrial complex ay dahil sa unilateral na hakbangin ng H.Korea, kaya dapat magkaloob ito ng kompensasyon.
Inulit din sa pahayag ang paninindigan ng T.Korea sa isyu ng Kaesong Industrial Complex. Anito, dapat igarantiya ng H.Korea, na sa hinaharap, hindi na muli nito sususpendihin ang operasyon ng nasabing cpmplex, sa anumang dahilang pulitikal o militar. Kung hindi, hindi na muli mapapanumbalik ang operasyon ng industrial complex, at aalis ang mga bahay-kalakal na T.Koreano, dagdag pa ng pahayag.
Salin: Liu Kai