|
||||||||
|
||
Noong nakaraang linggo, iniulat ng Le Monde ng Pransiya na isinasagawa ng E.U. ang malawakang surveillance sa Pransiya. Bago ang pagdaraos ng EU Summit, iniulat ng pamahalaan ng Alemanya na posibleng isinasagawa ng E.U. ang lihim na pakikinig sa cellphone ni Angela Merkel, chancellor ng Alemanya. Ikinapopoot ng maraming lider ng mga bansa ng EU ang naturang aksyon ng E.U..Ipinahayag ng Punong Ministro ng Malta na mali ang naturang aksyon ng E.U.. Sinabi niyang mahalagang maging magkaibigan ang kanyang bansa at E.U., pero, hindi dapat mag-espiyahan ang isa't isa.
Ipinahayag naman ni Angela Merkel na "unacceptable" ang naturang aksyon ng E.U., at grabeng nasira ng insidenteng ito ang pagtitiwala ng Alemanya sa pamahalaan ni Barack Obama. Sinabi niyang kinakaharap ng EU at E.U. ang komong hamon kaya naging magkaalyado ang dalawang panig, pero, ang pundasyon nito ay pagtitiwalaan. Sa kasalukuyan, dapat muling itatag ang pagtitiwalaan sa pagitan ng Alemanya at E.U..
Dahil sa insidente ng pang-eespiya ng E.U. sa mga kaalyado nito, kamakalawa, hiniling ng European Parliament na pansamantalang itigil ng Komisyong Europeo ang paglagda sa Kasunduan sa Pagbabahaginan ng Impormasyon ng Bangko sa E.U.. Ipinahayag ni Mark Rutte, Punong Ministro ng Netherlands na isinasagawa ng kanyang bansa ang imbestigasyon sa insidenteng ito. Kung mababatid ang katotohanan, magsasagawa ang EU ng katugong aksyon. Ipinahayag rin ni Werner Faymann, PM ng Austria, na dapat ipaliwanag ng pamahalaan ng E.U. ang insidenteng ito para magpatuloy ang kooperasyon ng EU at E.U..
Pero, hindi ganoon katindi ang reaksyon sa insideteng ito ng ilang bansang tulad ng Finland at Britaniya. Ipinalalagay nilang ang insidenteng ito ay indibiduwal na suliranin ng mga miyembro ng EU, at hindi maaaring iakyat sa antas ng EU. Sinabi naman ni Jyrki Katainen, PM ng Finland na ayon sa kasalukuyang batas at regulasyon ng EU, mahiarap para sa EU na pigilin ang aksyon ng E.U..
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |