Sa isang report na inilabas kahapon sa Beirut ng United Nations High Commissioner for Refugees(UNHCR), sinabi nitong mahigit 800 libong refugees mula sa Syria ang nasa Lebanon ngayon, kabilang ang 713 libong nakatala, at 87 libo iba pa na nakahandang itala.
Kaugnay nito, ipinahayag kamakailan ni Pangulong Michel Suleiman ng Lebanon, na hindi sapat ang tulong na ibinibigay ngayon ng komunidad ng daigdig para sa naturang mga refugee. Umaasa aniya siyang magbibigay ito ng mas maraming tulong para rito.