Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Cairo sa Sugo ng United Nations(UN) at Arab League(AL ) sa isyu ng Syria na si Lakhdar Brahimi, sinabi ni Nabil al-Arabi, Pangkalahatang Kalihim ng AL, na nakatakdang idaos sa Geneva ang pangalawang pulong sa isyu ng Syria, mula ika-23 hanggang ika-24 ng susunod na buwan.
Tinalakay din ng dalawang panig ang hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng Syria at natamong bunga sa paglutas ng isyung nabanggit.
Ipinahayag naman ni Brahimi na dadalo sa pulong ang oposisyon ng Syria.