Dumating kahapon sa Damascus, Syria, si Lakhdar Brahimi, Espesyal na Sugo ng United Nations-Arab League sa isyu ng Syria para ihanda ang Ikalawang Pulong sa Geneva hinggil sa isyu ng Syria.
Sa kanyang pananatili sa Syria, makikipag-usap si Brahimi sa matataas na opisyal ng Pamahalaan ng Syria na kinabibilangan ni Pangulong Bashar al-Assad. Makikipag-usap din siya sa mga kinatawan ng oposisyon ng bansa.
Sinimulan ni Brahimi ang kanyang biyahe sa Gitnang Silangan noong ika-19 ng Oktubre. Bago siya dumating ng Syria, huling hinto ng biyahe, nakabisita na si Brahimi sa Ehipto, Iraq, Jordan, Turkey, Iran, Katar kung saan nakipagpalitan siya ng palagay sa mga lider ng nasabing mga bansa hinggil sa isyu ng Syria.
Salin: Jade