|
||||||||
|
||
Nitong ilang taong nakalipas, kasabay ng pagbabago ng pandaigdig na kaayusan, nagiging mas masalimuot ang peripheral na kapaligiran ng Tsina at nagiging mas mahalaga ang estratehikong katuturan ng peripheral diplomacy para sa Tsina. Kaya, kinakaharap ng liderato ng Tsina ang isyung kung paanong lalo pang mapalakas ang peripheral diplomacy sa ilalim ng bagong kapaligiran.
Sa Peripheral Diplomacy Work Conference ng Tsina na idinaos kamakailan, tinukoy ni Pangulong Xi na dapat isagawa ng Tsina ang peripheral diplomacy sa diverse, three-dimensional at cross-time at space na anggulo. Ipinalalagay ng tagapag-analisa na malalimang ipinaliwanag nito ang diverse idea ng peripheral diplomacy ng Tsina: kasabay ng pagpapa-unlad ng relasyong pangkaibigan at pangkapitbansa, walang humpay na palawakin ang komong interes ng Tsina at mga kapitbansa nito para makuha ang mas maraming kaibigan at partner.
Sa susunod na yugto, buong lakas na palalakasin ng Tsina ang diplomasyang di-pampamahalaan sa mga kapitbansa, walang humpay na isasagawa ang pakikipagpalitan sa mga kapitbansa sa iba't ibang larangang tulad ng turismo, edukasyon, kultura at iba pa, para lalo pang mapatibay at mapaunlad ang mainman na relasyon ng Tsina at mga kapitbansa nito.
Sa kasalukuyan, mainam ang pangkalahatang kalagayan ng relasyon ng Tsina at mga kapitbansa nito sa kabuuan. Pero, umiiral pa rin ang ilang problema sa naturang relasyon. Dapat maayos na mahawakan ng Tsina at kanyang mga kapitbansa ang pagkakaiba at lutasin ang mga problema sa konstruktibong paraan. Halimbawa, sa isyu ng South China Sea, binigyan-diin ng Tsina ang "magkakasamang paggagalugad". Ipinahayag ng ilang tagapag-anlisa na ito ay isa sa mga pinakamabuting kalutasan sa isyung ito, dahil ito ay makakabuti sa pagpapasulong ng katatagan ng rehiyong ito.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |