Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangalawang Premiyer Zhang Gaoli ng Tsina, nakipagtagpo sa mga lider ng Singapore

(GMT+08:00) 2013-10-23 17:53:39       CRI

Kahapon at kamakalawa, sa magkakahiwalay na okasyon, nakipagtagpo si Zhang Gaoli, Pangalawang Premiyer ng Tsina na dumadalaw sa Singapore, kina Pangulong Tan Keng Ya ng Singapore at Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore. Bukod dito, magkakasamang nangulo sina Zhang Gaoli at Teo Chee Hean, Pangalawang PM ng Singapore, sa isang serye ng pulong hinggil sa bilateral na kooperasyon ng Tsina at Singapore.

Sa pagtatagpo, unang-una, pinarating ni Zhang sa mga lider ng Singapore ang pagbati nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Premiyer Li Keqiang ng Tsina. Pinasalamatan ng mga lider ng Singapore ang pagbati ng Tsina at ipinahayag ang kanilang mabuting pagbati sa mga lider ng Tsina.

Sinabi ni Zhang na ang Tsina at Singapore ay mayroong pangmatagalang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon. Lubos na pinahahalagahan ng bagong liderato ng Tsina ang pagpapaunlad ng relasyon ng Tsina at Singapore, at nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Singapore, para pasulungin ang lalo pang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa bagong startingpoint na pangkasaysayan.

Ipinahayag rin ni Zhang na ang Singapore ay mahalagang miyembro ng ASEAN. Pinapurihan ng Tsina ang pagsisikap ng Singapore para pasulungin ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN, nakahanda ang Tsina na lalo pang palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Singapore para magkasamang pasulungin ang kooperasyon ng dalawang panig sa iba't ibang larangan upang walang humpay na magtamo ng aktuwal na progreso.

Ipinahayag ni Pangulong Tan Keng Ya na mahusay ang relasyon ng Tsina at Singapore, maganda ang paguunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Magkasamang itinatag ng dalawang panig ang mga proyektong pangkooperasyon sa iba't ibang larangan. Nakahanda ang Singapore na makipagkooperasyon sa Tsina sa mas maraming larangan para magbigay ng mas maraming ambag para sa pag-unlad ng Tsina.

Sa pagtatagpo, ipinahayag ni PM Lee Hsien Loong na ang pangmatagalang katatagan at pag-unlad ng Tsina ay angkop sa kapakanan ng Singapore, at patuloy na aktibong nakikisangkot ang Singapore sa konstruksyon ng Tsina. Dapat lalo pang magkasamang magkooperasyon ang Tsina at Singapore, lubos na gamitin ang kasalukuyang mekanismo, at palawakin ang bagong larangang pangkooperasyon.

Kahapon, magkasamang nangulo sina Zhang Gaoli at Teo Chee Hean ng 3 pulong hinggil sa mekanismo ng bilateral na kooperasyon sa mataas na antas. Pagkatapos ng pulong, nilagdaan ng dalawang panig ang isang serye ng kasunduang pangkooperasyon.

Sa panahon ng pagdalaw, nakipagtagpo rin si Zhang kina Goh Chok Tong, Emeritus Senior Minister ng Singapore at Tharman Shanmugaratnam Pangalawang PM at Ministro ng Pananalapi ng Singapore.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>