Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Beijing kay dumadalaw na Tagapangulong Sidarto Danusubroto ng People's Consultative Assembly ng Indonesia(MPR), ipinahayag ni Yu Zhengsheng, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Sambayanang Tsino(CPPCC) na kasalukuyang nasa pinakamagandang yugto ang relasyong Sino-Indonesian. Aniya, ang katatapos na pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping sa Indonesia, noong unang dako ng buwang ito ay nagpapabilis sa pag-angat ng naturang relasyon sa bagong antas. Sinabi ni Yu na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Indonesia, para tupdin ang kasunduang narating ng mga lider ng dalawang bansa at pasulungin ang kanilang estratehikong partnership sa ibat-ibang larangan. Dagdag pa ni Yu, umaasa siyang palalakasin ang pagpapalitan at pagkakaibigan sa pagitan ng CPPCC at MPR sa ibat-ibang antas, para maisakatuapran ang komong kasaganaan at kaunlaran ng dalawang panig.
Ipinahayag naman ni Sidarto Danusubroto na positibo ang kanyang bansa sa importanteng papel ng Tsina sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig. Umaasa aniya siyang palalakasin ang pagtutulungan ng Tsina at Indonesia sa ibat-ibang larangan para ibayo pang mapasulong ang kanilang estratehikong partnership.