Ipinahayag kahapon ng sandatahang lakas ng mga minorya ng Myanmar na kung tatanggapin ng pamahalaan ang mga nagkakaisang posisyon na narating nila sa pulong na pangkapayapaan, nakahanda silang lumagda, kasama ng pamahalaan, ng pambansang kasunduan ng tigil-putukan.
Narating kahapon sa Kachin State ng Myanmar ang mga nagkakaisang posisyon ng mga sandatahang lakas ng mga minorya hinggil sa road map to peace, pangunahing nilalaman ng kasunduan ng tigil-putukan sa buong bansa, pagdaraos ng diyalogong pulitikal, at pagtatatag ng pagtitiwalaan.
Ayon sa ulat, magtatagpo bukas sa Myitgyina ang mga kinatawan ng pamahalaan at pambansang minorya para talakayin ang mga nagkakaisang posisyon na narating ng mga grupo ng katutubo.
Salin: Ernest