Sa kanyang pakikipagtagpo kay Min Aung Hlaing, dumadalaw na Commander-in-Chief ng Hukbo ng Myanmar, ipinahayag ngayong araw dito sa Beijing ni Xi Jinping, Pangulo ng Tsina na matatag na nananangan ang Tsina sa patakarang pangkaibigan sa Myanmar. Nakahanda ang Tsina na palakasin ang pagpalitan sa estratehiya at sa mataas na antas, maisakatuparan ang mga komong palagay ng dalawang panig, at pasulungin ang pragmatikong kooperasyon, at nang sa gayo'y, maigarantiya ang malusog, matatag at patuloy na pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Pinapirihan din ni Xi ang relasyon ng mga hukbo ng dalawang bansa, umaasa aniya siyang palalakasin ang pagpapalitan nila.
Pinarating ni Min ang pagbati ni Pangulong Thein Sein ng Myanmar. Nagpahayag siya ng pasasalamat sa Tsina para sa mahalagang pagkatig nito sa Myanmar at positibong papel para sa pangangalaga ng kapayapaan at katatagan ng dakong hilaga ng Myanmar. Nakahanda aniyang patuloy na palalimin ang kooperayon ng dalawang panig.
salin:wle