Sa kanyang pakikipagtagpo kahapon sa Beijing kay Min Aung Hlaing, Commander-in-chief ng Hukbong Pandepensa ng Myanmar, sinabi ni Fan Changlong, Pangalawang Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na lubos na pinahahalagahan ng panig Tsino ang pagpapaunlad ng relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa hukbo ng Myanmar. Iginigiit aniya ng Tsina ang maayos na paghawak sa mga sensitibong isyu, at ang pagsasagawa ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan. Dagdag pa niya, nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Myanmar, para walang humpay na mapalawak ang larangan ng pagpapalitan, at mapayaman ang nilalaman ng kooperasyon ng dalawang bansa.
Sinabi naman ni Min Aung Hlaing na patuloy na palalakasin ng kanyang bansa ang estratehikong pagtitiwalaan at kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa Tsina, kasama na ang pagpapaunlad sa relasyong pangkaibigan ng dalawang bansa.
Salin: Li Feng