Nasawi kamakailan ang isang pinuno ng Taliban sa Paksitan sa drone attack na inilunsad ng Amerika. Kaugnay nito, sinabi ni Chaudhry Nisar Ali Khan, Ministro ng Suliraning Panloob ng Paksitan, na ang aksiyong ito ay nagbigay-hadlang sa kasalukuyang planong pangkapayapaan sa pagitan ng Paksitan at Taliban. Ayon sa ulat, kinansela na ang talastasang pangkapayapaan ng dalawang panig na nakatakdang idaos sa ika-2 ng buwang ito.
Nagpahayag din ng pagkapoot si Imran Kahn, Gobernador ng lalawigan ng Khyber Pakhtunkhaw sa naturang pangyayari. Sinabi niyang pinipigilan ng Amerika ang pagsasakatuparan ng kapayapaan sa Pakistan.
Ipinahayag naman ni tagapagsalitang Azam Tariq ng Taliban na negatibo ang epekto ng pangyayaring ito sa talastasang pangkapayapaan ng Paksitan at Taliban. Sinabi niya na hindi maipagpapatuloy ng Taliban ang naturang talastasan hangga't hindi hinihinto ng Amerika ang pagtugis sa mga puno ng Taliban sa pamamagitan ng air raid.