|
||||||||
|
||
Kamakailan, sa Washiongton D.C., idinaos ang isang talakayan ng Brookings Institution, kilalang Think Tank sa daigdig. Sa talakayang ito, sinabi ni Jonathan Pollack, Puno ng John. L. Thornton China Center ng Brookings Institution, na ang Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 na Komite Sentral ng CPC ay ituturing na isang mahalagang pulong na susubaybayan ng buong daigdig.
Tinukoy niyang 35 taon na ang nakaraan, kinumpirma ng Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-11 na CPC Central Committee ang patakaran ng pagbubukas sa labas; sa darating na sesyong ito ng Ika-18 na CPC Central Committee, ibayo pang bubuksan ang pamilihang panloob ng Tsina.
Tinukoy rin ni David Dollar, dating World Bank's China Director at Economic and Finacial Emissary to China of Treasury Department of U.S., na dapat patuloy na palalimin ng Tsina ang repormang pangkabuhayan kapuwa sa suplay at pangangailangan para makahulagpos g kalagayan ng pagpapanatili ng mataas na paglaki sa pamamagitan ng mataas na pamumuhunan. Bukod dito, ipinalalagay rin niyang ang reporma sa household registration system ay mahalaga, dahil ito ay makabuti para sa mga magsasaka na magtamo ng mas malaking biyaya sa proseso ng pagsasalunsod.
Pero, ipinalalagay ni William Jones, editor mula sa Executive Intelligence Review, na dapat mas maingat ang pamahalaang Tsino sa isyu ng lalo pang pagbubukas ng pamilihang pinansiyal ng Tsina. Ipinahayag niyang ang labis na pagbubukas ng Tsina ay posibleng magdudulot ng pagkawala ng kontrol ng pamilihan.
Sa kabuuan, ipinalalagay ng maraming kinauukulang iskolar na ang darating na Ika-3 Sesyong Plenaryo ng ika-18 CPC Central Committee ay magiging isa pang milestone ng kasaysayan ng pagbubukas ng Tsina, at kukumpirmahin nito ang bagong target at direksyon para sa reporma at pagbubukas ng Tsina.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |