|
||||||||
|
||
Mula ika-9 hanggang ika-12 ng buwang ito, idaraos ang Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina o CPC dito sa Beijing, para iharap sa kabuuan ang "komprehensibo at malalim na reporma" na may mahalaga at malalim na katuturan sa Tsina, at itakda ang may kinalamang dokumento. Ipinahayag ng ilang tagapag-analisa na ang susi ng reporma ay pagtugon sa pinakamaraming pangangailangan: pagbubulkod ng mga puwersa ng reporma sa pinakamalaking saklaw, pagpapalakas ng kompiyansa sa reporma sa pinakamalaking digri, at paghahatid ng biyaya ng reporma sa pinakamalayong lalim.
Nakaranas ang Tsina ng 35 taong reporma at natamo nito ang malaking bunga, pero, sa kasalukuyan, kinakaharap ng bagong round ng reporma ng Tsina ang walang katulad na masalimuot na kahirapan sa iba't ibang larangan. Ipinalalagay ni Li Zuojun, mananaliksik mula sa Sentro ng Pananaliksik sa Pag-unlad ng Konseho ng Estado ng Tsina, na sa kasalukuyan, di-balanse, di-koordinado at di-sustenable ang pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina, at dumating na sa Tsina ang panahon ng "mataas na gastos" sa lupa, enerhiya, kapaligiran, lakas-manggagawa at iba pang larangan. Ipinahayag rin ni Lin Yifu, dating Punong Dalubhasa sa Kabuhayan ng World Bank at Propesor sa Peking University ng Tsina na sa kasalukuyan, ang "komprehensibong pagpapalalim ng reporma" ay naging pinakamalaking komong palagay at pangangailangan ng buong lipunan.
Kumpara sa reporma noong nakaraang 35 taon, ang bagong round ng reporma ng Tsina ay nangangailangan ng pagkuha ng "komprehensibo at malalim na reporma", na tulad ng mas makatarungang paraan ng pagsasabalikat ng kapital at pagbabahagi ng pakinabang, at dapat ipakita ito sa isang serye ng sistema ng mga mahalagang index. Sinabi ni Gao Shangquan, Honorary Chairman ng China Society of Economic Reform, CSER, na sa kasalukuyan, napakalakas ang pangangailangan sa karapatan ng iba't bang antas ng lipunan, at ito ay isang mahirap na bagay na kinakaharap ng bagong round ng reporma.
Ipinahayag rin ng mga tagapag-analisa na dapat baguhin ang kasalukuyang kalagayan ng lipunan, palayain ang kasiglahan ng lipunan. at ang paglutas sa lahat ng problema at pagsasalungatan ay dapat nababatay sa mas komprehensibo at mas malalim na reporma.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |