Ayon sa ulat kagabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), grabeng nasalanta ni bagyong 'Yolanda' ang maraming lugar sa dakong gitna ng Pilipinas. Hanggang sa ngayon, di-kukulangin sa 138 katao ang naitalang nasawi, 14 ang nasugatan, at 4 ang nawawala. Umabot naman sa mahigit 4.28 milyon ang bilang ng mga apektadong mamamayan.
Dahil sa malakas na ulan na dulot ni 'Yolanda,' naputol ang suplay ng koryente at telekomunikasyon sa maaming lugar sa dakong gitna ng bansa. Samantala, idinulot din ng masamang lagay ng panahon ang pagkasira ng mahigit 3400 pabahay sa buong bansa, at 17 lansangan at 1 tulay naman ang napinsala.
Ayon pa sa NDRRMC, kasabay ng pagbuti ng panahon at pagpasok ng mga grupong panaklolo, posibleng tumaas pa ang bilang ng mga nahahanap na kasuwalti.
Salin: Li Feng