Kaugnay ng ginawang konklusyon ng International Court of Justice(ICJ) sa Hague, Netherlands tungkol sa pagkakaroon ng soberanya ng Kambodya sa Preah Vihear Temple, ipinahayag kahapon ni Punong Ministro Yingluck Shinawatra ng Thailand, na nagkakapareho ang kultura at kasaysayan ng Thailand at Kambodya, at mayroon ding pangmatagalang pagkakaibigan ang dalawang bansa. Umaasa aniya siyang magkakaisa ang kanilang mga mamamayan para maisakatuparan ang magkasamang pag-unlad.
Ayon sa ulat, ginawa na minsan ng ICJ ang katulad na konklusyon, noong 1962. Noong mga oras na iyon, sa kabila ng pag-urong ng mga tropa ng Thailand mula sa naturang purok, pinagdududahan pa rin ng Thailand ang batayang mapa na gamit para sa pagsasagawa ng naturang konklusyon. Sa palagay ng panig-Thai, ang nasabing mapa ng Kambodya ay ginawa noong nasa pamamahala pa ito ng Pransya. Pero, ayon sa isa pang mapa na mula naman sa Thailand na ginawa sa parehong panahon, ang Preah Vihear Temple ay nasa loob ng teritoryo ng Thailand.