Sa isang regular na preskong idinaos kahapon sa Beijing, ipinahayag ni Tagapagsalita Qin Gang ng Ministring Panlabas ng Tsina na patuloy na palalakasin ng panig Tsino ang pakikipagkooperasyon sa mga bansang ASEAN sa larangan ng pagpigil sa kalamidad at disaster relief work.
Sinalanta kamakailan ni bagyong 'Yolanda' ang mga bansang gaya ng Tsina, Pilipinas, at Biyetnam, na nagdulot ng malaking human casualty at grabeng kapinsalaang pinansiyal. Sinabi ni Qin na dahil dito, ibayo pang nabatid na ang likas na kalamidad ay komong hamong kinakaharap ng mga bansa sa rehiyong ito. Dapat aniyang magtulungan ang mga bansa para harapin ito.
Nitong ilang taong nakalipas, walang humpay na lumalalim ang kooperasyong Sino-ASEAN sa larangan ng pagpigil at pagbabawas ng kalamidad. Sa taong ito, sa loob ng balangkas ng 10+1, isinagawa ng dalawang panig ang isang serye ng may-kinalamang pandaigdigang pulong, simposyum, at pagsasanay.
Salin: Li Feng