Grabeng nasalanta ng malakas na bagyong 'Yolanda' ang maraming probinsya ng Pilipinas. Pagkatapos nito, agarang itinaguyod ng mga organisasyon ng overseas Chinese sa Pilipinas ang mga aksyong panaklolo, bagay na nakatawag ng mainit na tugon ng mga overseas Chinese doon.
Tinawag kahapon ni Lucio Tan, Permanenteng Punong Pandangal ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc (FFCCCII), ang mga namamahalang tauhan ng mga pangunahing Chinese Community Relief Fund, upang pangkagipitang magpulong. Nanawagan din siya sa mga personahe ng komunidad Tsino na patuloy na patingkarin ang makataong diwa. Sa pulong, nag-donate ng 20 milyong Piso ang 7 organisasyong gaya ng FFCCCII, Federation of Filipino-Chinese Association of the Philippines, at Philippine Chinese Chamber of Commerce and Industry, Inc para magbigay-tulong sa mga apektadong mamamayan ng naturang bagyo.
Salin: Li Feng