Ayon sa pinakahuling ulat kagabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 1,774 na ang naitalang nasawi dahil kay bagyong Yolanda (Haiyan), 82 ang nawawala, at 2,487 ang nasugatan.
Ipinatalastas din kagabi ni Pangulong Benigno Aquino III ang kalagayan ng pambansang kalamidad.
Samantala, mahigit 20 bansa't rehiyon ang nagbigay o nangakong magbibigay ng tulong-pinansyal o materyal sa mga apektadong lugar. Ipinangako rin ng United Nations, Unyong Europeo, at World Bank na magbibigay sila ng tulong sa Pilipinas.
Nitong nagdaang Biyernes, sinalanta ni bagyong Yolanda ang Pilipinas, at ang Kabisayaan ang pinakaapektadong rehiyon.
Salin: Jade