Kahapon, sa Ika-68 Pangkalahatang Asemblea ng UN, naihalal ang Tsina bilang miyembro ng UN Human Rights Council at ang termino nito ay mula taong 2014 hanggang 2016.
Kaugnay nito, ipinahayag kahapon ni Wang Min, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang pangangalaga sa karapatang pantao at pagkakaroon ng kooperasyong pandaigdig sa larangang ito. Aniya, ang suportang natamo ng Tsina sa naturang halalan ay nagpapakita ng pagiging positibo ng komunidad ng daigdig sa pagtatagumpay ng Tsina sa larangan ng karapatang pantao. Dagdag pa ni Wang, pinasalamatan ng Tsina ang pagkatig mula sa ibat-ibang panig sa naturang halalan, at gagawa ito ng mas positibong papel para sa pagpapasulong ng karapatang pantao ng daigdig.
Samantala, naihalal din ang iba pang 13 kasaping bansa, na gaya ng Rusya, Britanya, Pransya, Cuba, Timog Aprika, at Saudi Arabia.