Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Papel ng pamilihan sa bagong reporma ng Tsina, nakatawag ng pansin ng mga bangkong dayuhan

(GMT+08:00) 2013-11-14 11:41:28       CRI

Inaprubahan kahapon sa apat na araw na Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang desisyon hinggil sa mahahalagang isyung may kinalaman sa komprehensibong pagpapalalim ng reporma ng bansa.

Ayon sa nasabing desisyon, ang pamilihan ay kailangang gumanap ng di-mapag-aalinlanganan o "decisive" na papel sa pamamahagi ng mga yaman para mapalalim ang pambansang reporma.

Sinabi ni Xie Dongming, Ekonomista ng Singapore OCBC Bank na sa halip na dating pundamental na papel, ipinasiya ng Pamahalaang Tsino na bigyan ng "decisive" na papel ang pamilihan, at ito ay nagpapakita ng determinasyon ng Pamahalaang Tsino na limitahan ang pakikialam nito sa pamilihan.

Ipinahayag din ng dalawa pang ekonomista na sina Wang Tao mula sa JPMorgan Chase & Co. at Zhu Haibin mula sa UBS China ang katulad na palagay.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>